Hanapan ang Blog na Ito

Post/s Para sa Linggo

Post/s Para sa Susunod na Linggo

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pagpatay. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pagpatay. Ipakita ang lahat ng mga post

15 Pebrero 2026

Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
  
Ebanghelyo At Mga Pagbasa Sa Linggo


“Sinasabi ko sa inyo: kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng pagsunod ng mga eskriba at mga Pariseo, hindi kayo makapapasok sa kaharian ng Diyos. (Mateo 5:20)

Unang Pagbasa: Sirac 15:15-20

Kung gusto mo, masusunod mo ang utos ng Panginoon; ikaw ang magpapasiya kung magiging tapat ka sa kanya o hindi. Naglagay siya sa harapan mo ng tubig at ng apoy, kunin mo ang iyong maibigan. Makapipili ka ng alinman sa dalawa: buhay o kamatayan; ang iyong mapili ang siya mong tutunguhan. 

Dakila ang Karunungan at kapangyarihan ng Panginoon, nakikita niya ang lahat ng bagay. Nalalaman niya ang lahat ng ginagawa ng bawat tao, at kinakalinga niya ang mga may takot sa kanya. Kailanma’y wala siyang inutusang magpakasama, o pinahintulutang magkasala.

Salmo: Awit 118 

Tugon: Mapalad ang sumusunod
            sa utos ng Poong Diyos!

Mapalad ang mga taong malinis ang pamumuhay, 
ayon sa utos ng Poon ang gawain araw-araw. 
Mapalad ang sumusunod sa kanyang kautusan, 
buong puso ang pagsunod sa utos na ibinigay. 

 Ibinigay mo sa amin iyang iyong mga utos, 
upang aming talimahin at sundin nang buong lugod. 
Gayon ako umaasa, umaasang magiging tapat; 
susundin ang iyong utos, susundin nang buong ingat. 

Itong iyong abang lingkod, O Diyos, sana’y pagpalain, 
upang ako ay mabuhay at ang utos mo ang sundin. 
Buksan mo ang paningin ko pagkat nananabik masdan, 
yaong buting idudulot sa akin ng iyong aral. 

Ituro mo, Panginoon, layunin ng kautusan, 
at iyon ang susundin ko habang ako’y nabubuhay. 
Ituro mo ang batas mo’t sisikapin kong masunod, 
buong pusong iingata’t susundin nang buong lugod.  

Ikalawang Pagbasa: 1 Corinto 2:6-10

Mga kapatid: Sa mga may sapat na gulang sa pamumuhay espirituwal, karunungan ang ipinangangaral namin, subalit hindi karunungan ng sanlibutang ito o ng mga tagapamahala sa ngayon na nakatakdang malipol. Ang tinutukoy ko ay ang panukala ng Diyos, na nalihim sa tao; itinalaga niya ito para sa ating ikadarakila, bago likhain ang sanlibutan. Isa man sa mga tagapamahala sa kapanahunang ito’y walang nakaunawa sa panukalang iyon. Sapagkat kung naunawaan nila iyon, hindi sana nila ipinako sa krus ang dakilang Panginoon. Ganito ang sinasabi ng Kasulatan, “Hindi pa nakikita ng mata, ni naririnig ng tainga, hindi pa rin sumasagi sa isip ng tao, ang inihanda ng Diyos sa mga umiibig sa kanya.” Subalit ito’y inihayag ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Espiritu. Nasasaliksik ng Espiritu ang lahat ng bagay, maging ang pinakamalalim na panukala ng Diyos.

Mabuting Balita: Mateo 5:20-22.27-28.33-34.37

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Sinasabi ko sa inyo: kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng pagsunod ng mga eskriba at mga Pariseo, hindi kayo makapapasok sa kaharian ng Diyos. 

Narinig ninyo na noong una’y iniutos sa mga tao, ‘Huwag kang papatay; ang sinumang makamatay ay mananagot sa hukuman. Ngunit ngayo’y sinasabi ko sa inyo: ang mapoot sa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman. 

Narinig ninyo na noong una’y iniutos sa mga tao, ‘Huwag kang makikiapid.’ Ngunit ngayo’y sinasabi ko sa inyo: ang sinumang tumingin nang may mahalay na pagnanasa sa isang babae, sa isip niya’y nakiapid na siya sa babaing iyon. 

Narinig pa ninyo na noong una’y iniutos sa mga tao, ‘Huwag kang sisira sa iyong pinanumpaang pangako bagkus ay tupdin mo ang iyong sinumpaan sa Panginoon.’ Ngunit ngayo’y sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong sumumpa kung nangangako kayo. Sabihin mo na lang na ‘Oo’ kung oo at ‘Hindi’ kung hindi; sapagkat buhat na sa Masama ang ano mang sumpang idaragdag dito.”


Gospel Reflection

Undebatable Truth


Naalala ko si Lakay, siya 'yung matandang lalaking naging trabahador sa pagawaan ng kuwadrong malapit sa bahay namin noon. Mahilig siya sa mga usaping tungkol sa Diyos. Lalo na sa mga interpretasyon ng Biblia. Siya 'yung tipo ng taong kapag nalalasing ay nagsasalita ng kung anu-ano-- na madalas kaysa sa hindi ay tungkol sa mga argumento sa relihiyon.

Minsan, nakadebate ko siya. Teen-ager pa lang ako noon. Wala pang gaanong alam. Basic lang ang mga tanong niya. 'Yung tipo ng mga tanong na karaniwang ibinabato nga mga taga-ibang relihiyon sa mga Katoliko. Tungkol sa Blessed Trinity. Tungkol sa Sampung Utos. Tungkol sa mga imahe.

Nakakasagot naman ako sa kanya. Kahit naman kasi paano ay nagbabasa-basa na ako noon. Matagal ang aming naging pag-uusap. At masasabi kong may mga natutunan din ako sa kanya. Lalo na't sa huli ng aming pag-uusap ay itinuro niya ang ilang berso sa Biblia na sumusuporta sa aking mga punto.

Nasundan pa ang pag-uusap na iyon. Nangingiti nga ako kapag naaalala ko ang mga iyon. Bata pa nga talaga ako noon. Mahilig pa sa debate. Pero tapos na sa akin ang stage na iyon. Kumbaga sa bata ay nakalakihan ko na.

Mahilig sa debate ang maraming mga aktibong Kristiyano ngayon. Gustung-gusto nilang patunayang tama ang kanilang relihiyon at mali ang iba-- na madalas kaysa hindi ay mga Katoliko ang puntirya nila. Kapag nag-umpisa na ang debate ay parang wala na itong katapusan. Walang nagpapatalo. Parehong tama ang magkabilang panig.

At ito ang malungkot na realidad. Walang katapusan ang pagdedebate sa kung sino ang nagsasabi ng totoo. Iisa ang Bibliang pinag-uusapan subalit iba't-iba ang interpretasyon. Sabagay, iba't-iba rin kasi ang bersyon o salin. Isinulat ang mga aklat ng Biblia upang pag-isahin ang mga mananampalataya subalit nagiging dahilan ito ng pagkakahati-hati.

Mapagtanto sana nating higit sa pagpapatunay sa kung sino ang "maliligtas", dapat nating bantayan ang ating mga gawa. Dapat nating bantayan ang laman ng ating mga puso. Marami sa atin ang magaling sa debate-- puro satsat-- pero kulang sa pagmamalasakit sa kapwa. Kulang sa pagmamahal. Kulang sa buhay-panalangin.

Ingatan natin maging tulad tayo ng mga Pariseo at mga tagapagturo ng kautusan. Pakitang-tao lamang ang kanilang pagiging banal. 

"...kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng pagsunod ng mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, hinding-hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit." (Mateo 5:20)

Ganap at malalim na pagsunod ang hinihingi sa atin ng Diyos. Nakikita Niya ang ating mga puso. Nababasa Niya ang ating mga isip. Alam Niya kung kailan tayo nagagalit, nagnanasa o nagsisinungaling. Ang mga bagay na ito ang naglalayo sa atin sa Kanyang mapagpalang biyaya.

Maging ganap sana ang ating pagtalima sa Kanyang pagtawag sa atin. Hindi 'yung "oo" tayo kapag komportableng sumunod sa Kanya at "hindi" kapag wala na tayo sa ating comfort zone o kapag kailangan na nating magsakripisyo.

Hindi matatapos ang mga debate. Ang malungkot kahit na ilang religious debate ang ating mapanalunan, hindi tayo kayang iligtas ng mga panalong iyon. Dahil sa huli, hindi naman tatanungin ng Diyos kung ilang debate ang napanalunan mo. Mananatiling ang puso ng kasulatan ang magiging sukatan ng kaligtasan: 

"...Ako'y inyong pinakain noong ako'y nagugutom; ako'y inyong pinainom noong ako'y nauuhaw. Ako'y isang dayuhan at inyong pinatuloy. Ako'y walang maisuot at inyong dinamitan, nagkasakit at inyong dinalaw, nabilanggo at inyong pinuntahan." (Mateo 25:35-36)

At ito'y isang undebatable truth at higit na mahalaga kaysa sa anumang debate.  

Panalangin:


O aming Panginoong Diyos, aming Amang ganap na nagmahal sa amin sa kabila ng aming mga kahinaan, sinasamba Ka namin, niluluwalhati at pinararangalan.

Turuan Mo po kaming maunawaan at isabuhay ang Iyong kalooban. Makita po sana sa aming pang-araw-araw na buhay ang Iyong kaluwalhatian. Sa aming pagsasabuhay ng mga Salita ni Hesus, magkamit po nawa kami ng kaligayahang sa Iyo lamang maaaring magmula.

Patuloy po sanan kaming magbasa ng Iyong mga Salita, gabayan po sana kami Nito sa aming mga desisyon. Mahirap man po, magawa po sana naming sumunod sa mga idinidikta nitong para sa aming kabutihan.

Ilayo Mo po kami sa tuksong nagtutulak sa aming lumayo sa Iyo.

Ang lahat ng ito sa Pangalan ni Hesus, na Siyang puso ng Kasulatan. Amen.

Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon - 12 Pebrero 2023



“Sinasabi ko sa inyo: kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng pagsunod ng mga eskriba at mga Pariseo, hindi kayo makapapasok sa kaharian ng Diyos. (Mateo 5:20)

Undebatable Truth

Gospel Reflection

Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon
12 Pebrero 2023
I-click po dito para sa Ebanghelyo at mga Pagbasa. 


(Ang post na ito'y orihinal na inilathala bilang Gospel Reflection noong 16 Pebrero 2014.)


Naalala ko si Lakay, siya 'yung matandang lalaking naging trabahador sa pagawaan ng kuwadrong malapit sa bahay namin noon. Mahilig siya sa mga usaping tungkol sa Diyos. Lalo na sa mga interpretasyon ng Biblia. Siya 'yung tipo ng taong kapag nalalasing ay nagsasalita ng kung anu-ano-- na madalas kaysa sa hindi ay tungkol sa mga argumento sa relihiyon.

Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon - 16 Pebrero 2020



“Sinasabi ko sa inyo: kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng pagsunod ng mga eskriba at mga Pariseo, hindi kayo makapapasok sa kaharian ng Diyos. (Mateo 5:20)

Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon - 12 Pebrero 2017



“Sinasabi ko sa inyo: kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng pagsunod ng mga eskriba at mga Pariseo, hindi kayo makapapasok sa kaharian ng Diyos. (Mateo 5:20)

Ikaanim Na Linggo Sa Karaniwang Panahon - 16 Pebrero 2014



Unang Pagbasa: Sirac 15:15-20


15 Kung gusto mo, masusunod mo ang utos ng Panginoon,
ikaw ang magpapasya kung magiging tapat ka sa kanya o hindi.

16 Naglagay siya sa harapan mo ng tubig at ng apoy,
kunin mo ang iyong magustuhan.

17 Makakapili ka ng alinman sa dalawa: buhay o kamatayan,
ang iyong mapili ang siya mong patutunguhan.

18 Dakila ang Karunungan at kapangyarihan ng Panginoon;
nakikita niya ang lahat ng bagay.

19 Nalalaman niya ang lahat ng ginagawa ng bawat tao,
at kinakalinga niya ang mga may takot sa kanya.

20 Kailanma'y wala siyang inutusang magpakasama,
o pinahintulutang magkasala.

Salmo: Awit 119:1-2.4-5.17-18.33-34


1 Mapalad ang mga taong malinis ang pamumuhay,
kautusan ni Yahweh ang sinusunod araw-araw.

2 Mapalad ang sumusunod sa kanyang patakaran,
buong pusong naghahanap sa kanyang kalooban;

4 Ibinigay mo nga sa amin ang iyong mga utos,
upang buong pagsisikap na ito'y aming masunod.

5 Gayon ako umaasa, umaasang magiging tapat,
susundin ang iyong utos, susundin nang buong ingat.

17 Itong iyong abang lingkod, O Yahweh, nawa'y pagpalain,
upang ako ay mabuhay at ang utos mo ang sundin.

18 Buksan mo ang paningin ko pagkat nananabik masdan,
kabutihang idudulot sa akin ng iyong aral.

33 Ituro mo, O Yahweh, layunin ng kautusan,
at iyon ang susundin ko habang ako'y nabubuhay.

34 Ituro mo ang batas mo't sisikapin kong masunod,
buong pusong iingatan at susundin ko nang lubos.

Ikalawang Pagbasa: 1 Corinto 2:6-10


6 Sa mga matatag na sa buhay espirituwal ay nangangaral kami ng salita ng karunungan, hindi karunungan ng mundong ito, o ng mga tagapamahala sa mundong ito na ang kapangyarihan ay lilipas. 7 Subalit ang ipinapahayag namin ay ang lihim na karunungan ng Diyos na hindi nahayag noong una, na itinalaga na niya para sa ating ikaluluwalhati bago pa likhain ang sanlibutan. 8 Walang isa man sa mga tagapamahala sa daigdig na ito ang nakaunawa sa karunungang iyon, sapagkat kung naunawaan nila iyon, hindi sana nila ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian. 9 Subalit tulad ng nasusulat,

"Hindi pa nakikita ng mata, o naririnig ng tainga,
ni hindi pa sumasagi sa isip ng tao
ang mga inihanda ng Diyos para sa mga umiibig sa kanya."

10 Ngunit ito'y inihayag na ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Espiritu. Sinasalikisik ng Espiritu ang lahat ng bagay, maging ang pinakamalalim na layunin ng Diyos.

Mabuting Balita: Mateo 5:17-37


17 "Huwag ninyong akalaing naparito ako upang ipawalang-bisa ang Kautusan at ang mga Propeta. Naparito ako hindi upang ipawalang-bisa ang mga iyon kundi upang tuparin. 18 Tandaan ninyo: maglalaho ang langit at ang lupa, ngunit ni isang tuldok o kudlit man ng Kautusan ay di mawawalan ng bisa hangga't hindi natutupad ang lahat. 19 Kaya't sinumang magpawalang-bisa sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayon sa mga tao, ay magiging pinakamababa sa kaharian ng langit. Ngunit ang sumusunod sa Kautusan at nagtuturo sa mga tao na tuparin iyon ay magiging dakila sa kaharian ng langit. 20 Sinasabi ko sa inyo, kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng pagsunod ng mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, hinding-hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit."

21 "Narinig ninyo na iniutos ng Diyos sa inyong mga ninuno, 'Huwag kang papatay; ang sinumang pumatay ay mananagot sa hukuman.' 22 Ngunit sinasabi ko naman sa inyo, ang sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman, ang humahamak sa kanyang kapatid ay mananagot sa Sanedrin, at sinumang magsabi sa kanyang kapatid, 'Ulol ka!' ay nanganganib na maparusahan sa apoy ng impiyerno. 23 Kaya't kung mag-aalay ka ng handog sa dambana para sa Diyos at naalala mong may sama ng loob sa iyo ang iyong kapatid, 24 iwan mo muna ang iyong handog sa harap ng dambana at makipagkasundo ka sa kanya. Pagkatapos, magbalik ka at maghandog sa Diyos.

25 "Kung may ibig magsakdal sa iyo, makipag-ayos ka agad sa kanya bago makarating sa hukuman ang inyong kaso. Kung hindi ay dadalhin ka niya sa hukom, at ibibigay ka nito sa tanod, at ikukulong ka naman sa bilangguan. 26 Tandaan mo: hindi ka makakalabas doon hangga't hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang piso na dapat mong bayaran."

27 "Narinig ninyong sinabi, 'Huwag kang mangangalunya.' 28 Ngunit sinasabi ko sa inyo, ang sinumang tumingin sa isang babae nang may mahalay na pagnanasa ay nangangalunya na sa babaing iyon sa kanyang puso. 29 Kung ang kanang mata mo ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ang itapon sa impiyerno. 30 Kung ang iyong kanang kamay naman ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo ito at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ang itapon sa impiyerno."

31 "Sinabi rin naman, 'Kapag pinalayas at hiniwalayan ng isang lalaki ang kanyang asawa, ito'y dapat niyang bigyan ng kasulatan ng paghihiwalay.' 32 Ngunit sinasabi ko sa inyo, kapag pinalayas at hiniwalayan ng isang lalaki ang kanyang asawa, maliban kung ito ay nangangalunya, itinutulak niya ang kanyang asawa sa kasalanang pangangalunya, at sinumang makipag-asawa sa babaing pinalayas at hiniwalayan ay nagkakasala rin ng pangangalunya."

33 "Narinig din ninyong iniutos ng Diyos sa inyong mga ninuno, 'Huwag kang susumpa nang walang katotohanan; sa halip, tuparin mo ang iyong sinumpaang panata sa Panginoon.' 34 Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag na kayong manunumpa kapag kayo'y nangangako. Huwag ninyong sasabihing, 'Saksi ko ang langit,' sapagkat ito'y trono ng Diyos; 35 o kaya'y, 'Saksi ko ang lupa,' sapagkat ito'y kanyang tuntungan. Huwag din ninyong sasabihing, 'Saksi ko ang Jerusalem,' sapagkat ito'y lunsod ng dakilang Hari. 36 Huwag mo ring ipanumpa ang iyong ulo, sapagkat ni isang buhok sa iyong ulo ay hindi mo kayang paputiin o paitimin. 37 Sabihin mo na lang na 'Oo' kung oo at 'Hindi' kung hindi, sapagkat ang anumang sumpang idaragdag dito ay buhat na sa Masama."

Post/s ng Nakaraang Linggo

Looking for Catholic Devotional Apps?