Gospel Reflection Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon 10 Agosto 2025 (Ang post na ito'y orihinal na inilathala bilang Gospel Reflection noong 11 Agosto 2013.)
Martes ng umaga. Habang nakapila ako para makapasok sa platform ng 5th Avenue Station ng LRT. Nagco-contemplate ako tungkol sa Ebanghelyo natin ngayong Linggo nang mapansin ko ang isang grupo ng mga babaeng pasaherong nakatingala na parang may kung anong tinitingnan. Na-amaze ako dahil para silang mga naka-pose para sa isang look-up picture.