Hanapan ang Blog na Ito

Post/s Para sa Linggo

Post/s Para sa Susunod na Linggo

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na transfiguration. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na transfiguration. Ipakita ang lahat ng mga post

01 Marso 2026

Ikalawang Linggo ng Kuwaresma

Ebanghelyo At Mga Pagbasa Sa Linggo


“Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya!” (Mateo 17:5)

Unang Pagbasa: Genesis 12:1-4

Noong mga araw na iyon: Sinabi ng Panginoon kay Abram: “Lisanin mo ang iyong bayan, ang tahanan ng iyong ama at mga kamag-anak, at pumunta ka sa bayang ituturo ko sa iyo. 

Pararamihin ko ang iyong mga anak at apo at gagawin kong isang malaking bansa. Pagpapalain kita, at mababantog ang iyong pangalan at magiging pagpapala sa marami. 

Ang sa iyo’y magpapala ay aking pagpapalain; ngunit kapag sinumpa ka, sila’y aking susumpain. Ang lahat ng mga bansa pihong ako’y hihimukin, na, tulad mong pinagpala, sila ay pagpapalain din.” 

Sumunod nga si Abram sa utos ng Panginoon.

Salmo: Awit 32 

Tugon: Poon, pag-asa ka namin, 
            pagibig mo’y aming hiling!

Panginoo’y tapat sa kanyang salita, 
at maaasahan ang kanyang ginawa. 
Minamahal niya ang gawang matapat, 
ang pag-ibig niya sa mundo’y laganap. 

Ang may takot sa Diyos, at nagtitiwala 
sa kanyang pag-ibig, ay kinakalinga. 
Hindi babayaang sila ay mamatay, 
kahit mag-taggutom sila’y binubuhay. 

Ang ating pag-asa’y nasa Panginoon; 
siya ang sanggalang natin at katulong. 
Ipagkaloob mo na aming makamit, 
O Poon, ang iyong wagas na pag-ibig, 
yamang ang pag-asa’y sa’yo nasasalig! 

Ikalawang Pagbasa: 2 Timoteo 1:8-10

Pinakamamahal kong kapatid: Makihati ka sa kahirapan dahil sa Mabuting Balita, sa tulong ng Diyos na nagligtas at tumawag sa atin upang tayo’y maging kanyang bayan. 

Ito’y ginawa niya sa pamamagitan ni Kristo Hesus, hindi dahil sa ating mga gawa kundi ayon sa kanyang layunin at kagandahang-loob na inilaan sa atin bago pa magsimula ang panahon. Ngunit nahayag lamang ito nang dumating si Kristo Hesus na ating Tagapagligtas. Nilupig niya ang kamatayan at inihayag ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng Mabuting Balita.

Mabuting Balita: Mateo 17:1-9

Noong panahong iyon: Isinama ni Hesus si Pedro, at ang magkapatid na Santiago at Juan, at sila’y umakyat sa isang mataas na bundok. Samantalang sila’y naroon, nakita nilang nagbagong-anyo si Hesus: nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha, at pumuting parang busilak ang kanyang damit. Nakita na lamang at sukat ng tatlong alagad sina Moises at Elias na nakikipagusap kay Hesus. Kaya’t sinabi ni Pedro kay Hesus, “Panginoon, mabuti pa’y dumito na tayo. Kung ibig ninyo, gagawa ako ng tatlong kubol: isa sa inyo, isa kay Moises at isa kay Elias.” 

Nagsasalita pa siya nang liliman sila ng isang maningning na ulap. At mula rito’y may tinig na nagsabi: “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya!” 

Ang mga alagad ay natakot nang gayon na lamang nang marinig nila ang tinig, at sila’y napasubasob. Ngunit nilapitan sila ni Hesus at hinipo. “Tumindig kayo,” sabi niya, “huwag kayong matakot.” At nang tumingin sila ay wala silang nakita kundi si Hesus. 

At habang bumababa sila sa bundok, iniutos ni Hesus sa kanila, “Huwag ninyong sasabihin kanino man ang pangitain hangga’t hindi muling nabubuhay ang Anak ng Tao.”  



Gospel Reflection

Patikim Sa Kaluwalhatian


Hindi ako lumaki sa isang relihiyosong pamilya. Naging abala ang tatay sa pagtataguyod sa aming magkapatid. Si Nanay naman ay maagang nawala. Namatay siya isang linggo matapos niyang ipanganak ang aming bunsong kapatid na lumaki sa pamilya ng tiyahin ko.

Ikalawang Linggo ng Kuwaresma - 05 Marso 2023



“Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya!” (Mateo 17:5)

Patikim Sa Kaluwalhatian


Ikalawang Linggo Ng Kuwaresma
05 Marso 2023
I-click po dito para sa Ebanghelyo at mga Pagbasa. 


(Ang post na ito'y orihinal na inilathala bilang Gospel Reflection noong 16 Marso 2014.)



Hindi ako lumaki sa isang relihiyosong pamilya. Naging abala ang tatay sa pagtataguyod sa aming magkapatid. Si Nanay naman ay maagang nawala. Namatay siya isang linggo matapos niyang ipanganak ang aming bunsong kapatid na lumaki sa pamilya ng tiyahin ko.

Ikalawang Linggo ng Kuwaresma - 13 Marso 2022



At may isang tinig mula sa alapaap na nagsabi, “Ito ang aking Anak, ang aking Hinirang. Siya ang inyong pakinggan.” (Lucas 9:35)

Kaganapan Ng Pag-ibig


Ikalawang Linggo ng Kuwaresma
13 Marso 2022
I-click po dito para mabasa ang Ebanghelyo. 


(Ang post na ito'y orihinal na inilathala bilang Gospel Reflection noong 24 Pebrero 2013.)


Ang pagbabagong-anyo ni Hesus ay patikim ng kaluwalhatian ng buhay matapos ang kamatayan. Isa itong maiksing panahon ng magkahalong excitement, takot at kaligayahan para sa tatlong apostol na kasama ni Hesus bago bumulaga sa kanila ang Kanyang pagkaaresto sa Gethsemane na nagbunga ng kamatayan Niya sa krus.

Only Way To Glory


Ikalawang Linggo Ng Kuwaresma
28 Pebrero 2021


We could only imagine kung gaano ka-high ang pakiramdam ng mga apostol habang pinagmamasdan ang maluwalhating pagbabagong-anyo ng ating Panginoong Hesus.

Ikalawang Linggo ng Kuwaresma - 17 Marso 2019



At may isang tinig mula sa alapaap na nagsabi, “Ito ang aking Anak, ang aking Hinirang. Siya ang inyong pakinggan.” (Lucas 9:35)

Fullness Of His Love


Gospel Reflection

Second Sunday of Lent
12 March 2019
Click here for the Readings and the Gospel (Tagalog). 

(This post was originally published as a Gospel Reflection on 24 February 2013)


The Transfiguration of Jesus gives an insight on the happiness and glories that will be given to the faithful in the afterlife. It's a moment of excitement, of fear and of joy for the three Apostles who accompanied Jesus before His sudden arrest at Gethsemane that eventually lead to His death in the cross.

Kapistahan ng Pagbabagong-Anyo ng Panginoon - 06 Agosto 2017

Linggo ng mga Kura Paroko



“Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya!” (Mateo 17:5)

Newsletter - 06 Agosto 2017

Kapistahan ng Pagbabagong-Anyo ng Panginoon

Wattpad - 06 Agosto 2017

Wattpad Sunday

Kapistahan ng Pagbabagong-Anyo ng Panginoon



Ang ating Ebanghelyo at mga Pagbasa, Gospel Reflection, at Panalangin para sa Kapistahan ng Pagbabagong-Anyo ng Panginoon (06 Agosto 2017).

Post/s ng Nakaraang Linggo

Looking for Catholic Devotional Apps?