Ang pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas ang sinasabing isa sa pinakamahabang Pasko sa buong mundo. Ito ay inuumpisahan ng mga Pilipino sa nobenaryong tinatawag na Simbang Gabi. Siyam na gabi o madaling-araw na gumigising ang sambayanan upang dumalo sa mga misang nagsisilbing paghahanda para sa pagdating ng Pasko.
Ang seryeng ito na pinamagatang "Simbang Gabi: Landasing Pa-Bethlehem" ay naglalayong bigyang-pagninilay ang mga Ebanghelyong binabasa ng mga Pari sa ating mga Simbang Gabi. Sa seryeng ito, ang bawat araw habang lumalapit ang Pasko ay itinuturing na bahagi ng isang paglalakbay patungong Bethlehem-- ang lugar ng kapanganakan ni HesuKristo.
Ito ay pagpapatuloy lamang ng layunin ng Sa Isa Pang Sulyap na lalo pang palalimin ang pananampalataya ng mga mambabasa sa ating Panginoong Hesus.
Pagsaluhan natin ang kagalakang hatid ng Pasko. Lalo sana nating maramdaman pag-ibig ng Diyos "sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan." (Juan 3:16)
To God be all the Glory!
Maraming salamat sa pagbabasa. Maligayang Pasko ng Kapanganakan ng Diyos ng Pag-ibig. Ipagpatuloy po ang pagbabasa sa mga susunod na bahagi ng serye: